Tuesday, December 6, 2011

Doon sa club

Unang sahod ni Xerex sa bago nyang pinapasukang opisina sa makati. Tahimik na tao si xerex at mahilig mapag isa hindi rin ito mahilig gumumik kaya naman sa edad na 40 ay binata pa rin ito. Dahil na rin sa matinding kantyaw ng mga kasamahan nayaya itong lumabas at mag enjoy kaya naman napunta sila sa isang videoke house at doon nag inum sila at nagkantahan subalit itong si xerex ay hindi masyadong nag eenjoy sa kanilang ginagawa. Nagsawa ang mga ito at nagyaya ang isa sa kanila na magpunta sa isang club. Kaya naman nag tungo ang grupo sa isang maliit na club at sa loob ng club ay may mga babaeng nagsasayaw ng halos wala nang saplot sa katawan. Patuloy ang inuman ng grupo habang nanood ng mga babaeng nagsasayaw sa stage. Inilapit ng manager ang mga babae sa grupo, nakapili sila ng kani-kanyang kapareha. Itong si xerex hindi gaanong pinansin ang katabing babae.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang inumin ng mga babae at doon nagsimulang kausapin ng babae si xerex mula noon hindi na sila tumigil magkwentuhan na parang wala silang kasama sa paligid. Libang na libang si xerex at hindi na nya namalayan ang oras, Umaga na pala! Patuloy ang kwentuhan ng dalawa hanggang sa lumiwanag nalang ang club magsasarado na pala sila. Umuwi si xerex at pansin ang tuwa nya sa kanyang mga kilos. Hangang sa pagtulog iniisip nya ang babae Patricia daw ang kanyang pangalan.

Makalipas ang ilang araw na di nakalimutan ni xerex si patricia, nagdesisyon itong muling magpunta sa club. Pagdating nya doon ay naka upo na ang babae sa iba kaya uminom nalang sya ng isang beer nung sya ay mag babayad na, Sinabihan sya ng waiter na hintayin si patticia bagay na pinagtakahan ng lalaki. Sa wakas makalipas ang dalawa pang beer lumapit na ang babae kay xerex. Naalala din pala ng babae si xerex kaya nagpahintay ito. Nagsimulang mag usap ang dalawa at gaya ng dati parang walang tao sa paligid at gaya ng dati di nila namalayan ang oras at gaya ng dati lumiwanag na ang club hindi parin maawat ang dalawa.

oh bukas nalang ulet...

No comments:

Post a Comment