Sunday, November 27, 2011

Ganito ba Talaga?

Mga kakwento,

May isang tao akong nakausap. Nasa 38 palang ang kakwento nating ito. Itago natin sya sa pangalang XereX. Nagsimula ang kwento ni xerex nung makasalubong nya ang babae sa hagdanan ng isang building at kinilala nya ito hanggang sa silay paulit ulit nang nagkikita. Di namalayan ni Xerex na unti unti na syang nahuhulog sa babae hangang isang araw ay niyaya ni xerex ang babae upang makipag date at pumayag naman ang babae. Nag punta sila sa isang bar at dun sila nagkwentuhan habang umiinum ng beer. Doon naikwento ng babae na isa syang dalagang ina.Habang lumalalim ang gabi patuloy ang kanilang usapan na para bang di na matatapos ito at sa di maintindihang pag kakataon nahalikan ni xerex ang labi ng babae. Maya maya pa ay umalis na sila ng bar at nagtungo sa isang motel at duon na nangyari ang lahat.

Napapadalas na ang pagkikita ng dalawa. Si babae madalas ding humingi ng tulong kay xerex kulang daw kasi sya sa pinansyal na pangangailan para sa kanilang mag ina naintindihan naman ni xerex ito kaya ayos lang sa kanya. Sa tuwing magkikita ang dalawa may nararamdamang saya at kaba si xerex. Ngunit pag silay nagsosolo na at nasa loob na ng motel lahat nawawala at puro kamunduhan nalang ang nadarama ni xerex sa babae. Napaganda naman kasi ng katawan ng babaeng ito bukod pa sa napaka amo nyang mukha at makinis na balat.

O mga ka kwento bukas na ulet back to work muna.....

No comments:

Post a Comment